“Titser”

Isinulat ni Gng. Ivy E. Enaje, Puno ng Kagawaran ng Filipino sa Mababang Paaralan
Larawan ng rallying teachers: mula kay Nessa Vandellion

Camera! Rolling!

Audio! Ready!

QUIET!

Ep 6 Seq 25 Take 2!

Action!

(Eksenang nag-uusap ang mga bida. Umiiyak ang ibang tauhan/natatakot!Acting kung acting!)

Direktor: O likod n’yo lang ang kinukunan ha. Makikita ang silhoutte ninyo!

“Likod pala!Paano ko paartehin ang likod ko!” Hirap mag-internalize nun ha!

 

May Akda, kasama ng ibang mga artista: mula kay Christian Bumatayo

May Akda (2 mula sa kaliwa), kasama ng ibang mga artista: mula kay Christian Bumatayo

Artistang ganap ang isang guro. Isang sining ang pagganap sa iba’t ibang papel sa loob at labas ng klase. Laging handa sa bawat “call time” at “on set” agad. Bawat eksena perpektong isinasara dahil di tulad ng pelikula, di- pwedeng magcut o magtake 2 sa natatanging papel – ang Titser.

Kaya naman, hindi na kataka-takang naging madali at masaya ang espesyal na partisipasyon  ng mga Xavier ‘Cher sa pagbuo ng teleseryeng “Titser”. Baguhan man sila sa pag-arte sa harap ng kamera, nakipagsabayan sila sa mga beteranong aktres kagaya nina Agot Isidro at Irma Adlawan. Isa itong bagong karanasan sa mga gurong nagmamahal sa sining ng pelikula, ngunit higit lalo, dahil ang kuwentong ito ay tungkol sa pagiging guro, kuwento ng bawat guro.

Ipalalabas ang “Titser” sa GMA News TV tuwing Linggo, simula Agosto 11 ganap na 7:15 ng gabi. Mapapanood naman ang “behind the scenes” nito ngayong Agosto 4, parehong oras. Ang teleserye ay pinangungunahan ng artistang si Lovi Poe kasama si Mara Lopez sa Direksyon ng Premyadong Director na si Alvin Yapan.

Isang pasasalamat at pagkilala kay Alemberg Ang (XS’95), Executive Producer ng “Titser” sa kanyang pagtitiwala sa kakayahan ng mga Xavier ‘Cher na maging bahagi ng kanyang proyekto.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: