Ang Misa ni San Ignacio

Sinulat ni Craddi Nachor 6I, Hoofprint Staffer
litrato mula kay G. Jovie Espino

Tuwing dumarating ang Hulyo, nakagisnan na ng mga Xaverian na magkaroon ng misa para kay San Ignacio ng Loyola, na patron ng Paaralang Xavier. At noong nakalipas na Hulyo 31, ipinagdiwang ang kapistahan ni San Ignacio.

Nagsimula ang misa sa pagpasok ng mga simbolo o “banner”, na sinundan ng pagtatanghal ng mga kadete ng Xavier. Kanilang pinaikot-ikot at hinagis-hagis ang kanilang mga baril na animo’y magaan na kahoy lamang ang hawak. Kasunod ng pagtatanghal ang nakaaaliw na pagsayaw ng Dance X upang bigyang daan ang pagsisimula ng misa.

Sabay sa pagtunog ng isang masayang awitin na nakagagaan ng pakiramdam ay ang pagpasok ng mga pari na sina Fr. Aristotle Dy, Fr. Art Borja, Fr. Guy Guibelondo, Fr. Xavier Olin at iba pang paring galing sa Parokya ng Mary the Queen.

Sumama rin sa grupo ang isang espesyal na panauhin na si Fr. Gil Donayre, na kamag-anak ng sikat na boksingerong si Nonito Donaire. Sa kanyang homily o sermon, ibinahagi ni Fr. Donayre ang kanyang karanasan sa pagmimisa sa loob ng “Bilibid Prison”. Ang sermon ay tungkol sa paggawa ng tama sa lahat nang pagkakataon para sa kapurihan ng Diyos.

Nagkaroon din ng partisipasyon ang iba’t-ibang mag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa ng Bibliya gamit ang iba’t-ibang wika.

Ang misa ay nagtapos sa pagtugtog ng musika ni San Ignacio, Kawan ni Kristo, sabay sa pagwasiwas ng mga estudyante ng asul, pula at dilaw na bandana.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: