Masarap Maging Pilipino

By Mr. Jared Richard Uy, HS Filipino Teacher

Nito lamang nakaraang SONA ni Pangulong Aquino, inilatag niya sa atin ang mga tagumpay at pagsubok ng bansa ng nagdaang taon; Gayundin ang mga dapat nating pasalamatang mga pangyayari para sa ikauunlad ng ating bansa.

Matapos nito, marahan niyang tinapos ang kanyang talumpati na ipinagmamalaki sa buong mundo na siya ay Pilipino at ayon pa sa kanya, ‘Napakasarap maging Pilipino sa panahong ito.’

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Paaralang Xavier, ang Kagawaran ng Filipino ay malugod na nakikiisa at naniniwalang tunay ngang masarap maging Pilipino.

At sa temang ito sama-sama tayong magdiwang bilang isang komunidad sa pamamagitan ng ilang mga programang inihanda ng  Kagawaran ng Filipino para sa buwan ng wika tulad ng PalakaXSan (Setyembre 5 at 9), XSine (Setyembre 2 at 11), Agahandaan (Setyembre 13) LitraTula (Agosto 27-Setyembre 12), Paligsahang Bulletin Board (Agosto 27-Setyembre 6), Filipino Fridays at ‘Kakasa Ka ba sa Filipino?’.

Inaasahan namin ang inyong pakikiisa sa pagdiriwang na ito, dahil tunay ngang sa mga anumang panahon, masarap maging Pilipino.

filipinologo

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: