Wikang Makapangyarihan, Kayang Magtama Ng Maling Pamamaraan

by Lander Evangelista, III-Nikel
http://scoopboy.com/august-2013-buwan-ng-wikang-pambansa-theme-memo/

Problema doon, problema dito, bakit ba hanggang ngayon wala pa rin tayong pagbabago? Marami tayong sinisisi na kung ano-ano pa, ngunit ang totoo tayong tao rin naman ang may sala. Bilang isang Pilipino, mayroon akong malaking OO — OO sa ideya na ang katiwalian natin ay sadya namang mga nagloloko. Inaamin ko na binabase ko lang naman ito sa mga nakikita’t nararamdaman ko, at sadyang wala akong pruweba na magpapatotoo nito.

Wala akong karapatan manisi ng mga tao, pero may karapatan ako na magpahayag tungkol sa mga nakikita ko. Pagtulong sa tao at pagpapaunlad ng bayan, yan ang pangunahing trabaho ng ating mga katiwalian. Ngunit bakit nga ba ganoon, hindi natin maramdaman? Marami na sa atin ang sawa na, sawa na sa kakatiis ng sablay na pagtratrabaho nila. Dito na papasok ang ating wika at kanyang halaga, ang wika natin ay hindi lamang naglalaman ng puro salita.

Lahat ng bagay sa mundo ay may dahilan. Sa panahon ngayon, wika ang ating kailangan. Hindi ko sinasabing babastusin mo ang ating mga ginagalang na katiwalian sa paggamit ng ating mga salita, dahil wala namang mangyayari at makakabastos ka lang, at sa pag-upo nila sa kanilang pwesto, hindi ba tayo rin naman ang dahilan? Lahat ng tao may kanya kanyang karapatan, kaya nga marami sa atin ang lumalaban, marami sa mga taong iyon, wika ang pinanlalaban, ngunit minsan ito ay nagagamit sa hindi wastong pamamaraan, kaya anong kalalabasan? Walang tapos na walang kwentang kaguluhan. Ang wika natin ay tunay naman talagang isang sandata, sa paggamit mo nito talagang makakaapekto ka, pero parang isang espada, anong magiging saysay nito kung hindi mo naman inaaruga, at kapag ginamit mo basta-basta pati sarili mo mahihiwa.

Nakakalungkot isipin na ang bansa natin ay punong puno ng mga umaalingasaw na manloloko, masama pa talaga doon sila pa yung mga pulitiko. Sasabihin nila sa simula, “Mahal ko kayo” at “Akong bahala sa inyo,” ayan pa ang mga madalas na salitang kanilang ginagamit, at ang pinaka nakakasakit ginagamit nila ang wikang kayaman natin para lang sa kanilang pangungupit. Tulad nang sabi ko, hindi lamang basta basta ang wikang Filipino, at may karapatan akong magsalita tungkol sa mga nakikita’t nararamdaman ko. Wala na kong nakikitang maayos sa panahon ngayon. Wika bilang sandata, hindi literal na gagamitin mo iyon para makasakit ka. Ang pahayag na ito ay simpleng nangangahulugan na malaki ang magagawa nito sa lipunan, pero ito laban sa katiwalian? Magagamit ko ito para magpahayag ng tama laban sa hindi wastong pamamaraan.

Libre lang ang magsalita, huwag na huwag ka nga lang maninira. Hindi lahat ng tao marunong gumamit ng wika natin. Marami kasi ang nagkakamali at basta bastang naglalahad ng kanilang damdamin, pero hindi muna nila iniisip ang nadarama ng iba. Magagamit ko ang wika bilang isang sandata, sa totoo nga lang hindi lamang laban sa katiwalian, kasi masyado itong makapangyarihan. Pero sa kabilang banda kailangan ko itong gamitin ng maingat at tama, dahil pwede ko naman itong gamiting sandata, sa pamamagitan ng maayos at mapayapa na pagpapahayag. Iingatan ko ang paggamit nito, dahil hindi lamang sa wika ginagamit ang respeto, kung hindi pati na rin sa tao.

http://daluyan.cp-union.com/node/111

http://daluyan.cp-union.com/node/111

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: