Misa para kay Birheng Maria

Sinulat ni Franco Cuan, 6I, Hoofprint Staffer
mga litrato mula kay G. Jovie Espino, guro ng Ingles sa ika-apat na baitang

Noong Agosto 29, 2013, nagkaroon ang baitang 4, 5 at 6 ng misa para ipagdiwang ang kapistahan ng pag-aakyat sa langit ng Birheng Maria.  Ang misa ay ginanap sa Xavier Sports Center ng 8:00 ng umaga.

Ang misa ay pinangunahan ni Fr. Art Borja, SJ kasama sina Fr. Xavier Olin, SJ at Fr. Candido Lim, SJ na pumupunta sa Altar habang kumakanta ang mga tao sa misa. Wikang Filipino ang gamit na salita sa misa dahil ipinagdiriwang din ng paaralan ang Buwan ng Wika at Kasaysayan.

Ang mga estudyante ng Xavier school ang kumanta at nagbasa para sa misa. Ang sermon ni Fr. Art Borja sa homilya ay tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng sariling wika at ang koronasyon ng Birheng Maria. Marami ang tahimik na nakinig sa mga sinabi ni Fr. Art Borja. Pagkatapos ng misa, may video na ipinakita para sa mga baitang 4, 5 at 6. Tungkol ito sa iba’t-ibang gawain na maaaring salihan ng mga estudyante sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan.

DSC_0317

DSC_0331DSC_0297

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: