Ang Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Mababang Paaralan

Sinulat ni Carvey Chan, 5D, Hoofprint Staffer
mga litrato mula kay G. Jovie Espino, guro ng Ingles sa ika-apat na baitang

Ang ating pambansang wika ay Filipino. Ipinagdiriwang ito sa buong buwan ng Agosto. Ito ay ating ipinagdiriwang upang maipakita natin ang kahalagahan ng ating wika. Sa iba’t-ibang paaralan, ipinatutupad ang pagdiriwang ng wika upang mas maging matatag ang wikang Filipino.

Ang Xavier School ay naghanda ng mga programa para ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Sa Mababang Paaralan ng Xavier, ang Kagawaran ng Filipino at Kagawaran ng Araling Panlipunan ay nagsama upang itaguyod ang wikang Filipino at ang kulturang Pilipinas. Sa katunayan, ang tema sa taong ito ay “Wikang Filipino, Wika ng Bayani”.

Narito ang mga gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika:

Agosto 28, Miyerkules – KUWENTONG KABATAAN, baitang 6

Setyembre 3, Martes – PINOY HENYO, baitang 3

Setyembre 4, Miyerkules – Pagtatanghal ng SOCIAL SCIENTIST CLUB

Setyembre 5, Huwebes – VIDEOKE, baitang 5

Setyembre 6, Biyernes – Pagtatanghal ng XS MOVERS at mga piling guro

Setyembre 9, Lunes – FlipToXS, paligsahan sa FlipTop, baitang 6

Setyembre 9, Lunes  – TAGISAN NG TALINO, baitang 4

Setyembre 11, Miyerkules – AWIT AT TULA, Pagsasara  ng programa at Pagtatanghal ng  mga piling guro  

Para manood at/ o sumali, pumunta sa kantina sa oras ng tanghalian.

DSC_0075

DSC_0188

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: