Tunay Na Pagmamahal at Pagsasakripisyo

ni Nicko Salonga, IV-Katarungan
www.polbits.com

Lahat ng bagay ay may katapusan. Lahat ng nasimulan ay tinutuldukan. Lahat ng buhay ay may kamatayan. Yan ang sistemang bumabalabal sa takbo ng buhay ng bawat tao. Subalit, sadyang may iba talaga sa atin na tanging pagpantay na lamang ng kanilang mga talampakan ang makapagpapatigil sa kanilang mga ginagawa.

Sa edad na labing siyam, siya ay naging ganap na pari. Siya ay kasama sa mga Heswitang pari na nagtaguyod sa konsepto na ang kabataang may kasanayan ay ang susi sa pag-unlad ng bayan. Mula rito, sinimulan niya ang isang pangarap na bumago sa buhay ng maraming kabataan, tulad ninyo.

“My war is to save people,” sabi niya. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na halos buong buhay niya ay inilaan niya sa pagtulong sa mga kabataan at iba pang taong nangangailangan. Nandyan ang panahong humingi siya ng ibang tulong sa ibang bansa, ginamit ang koneksyon at tulong ng mga kaibigan at ang pinakamabigat sa lahat, nanlimos ng tulong para sa isang pangarap na patuloy niyang pinanghahawakan. Giyera nga talaga.

At mula sa mga sakripisyong iyon, at naipatayo niya ang paaralang ERDA Tech. Isang organisasyon naglalayong tumulong sa mga kabataang kapus-palad na makamit ang kanilang mga pangarap. Kung kaya’t sa araw ng iyong kaarawan. Lubos lubos na pasasalamat ang aming ibinabalik sa iyong kabutihan. Maaaring hindi ito sapat upang ikaw ay suklian, ngunit nanggaling ito sa kaibuturan ng aming mga puso at isipan. Maraming-maraming salamat po talaga. Wala kami rito kung wala ka.

Teka, sino nga ulit iyon, wala nang iba, iyan si Fr. Pierre Tritz.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: