Malayang Pag-Iisip, Malikhaing Pagsulat

Fourth Year Students
photo from payload87.cargocollective.com

Bolang Apoy

Heather Oliva

Tuwing tayo ay gumuguhit ng araw ay simpleng bilog lamang ito na may mga diretsong linya na nakapaligid dito subalit nakakalimutan nating iguhit ang mga bagay na nasisinagan ng liwanag ng araw at nalilimitahan ang sikat nito sa mga ulap. Maaaring tumungo ang sikat nito sa mga magagandang bulaklak, sa malawak na hardin, sa mga taong nag-eehersisyo, sa maliit na parke, sa mga manok na tumitilaok pagkabukang-liwayway o di kaya’y sa mga bintana ng bawat kabahayang nakahanay sa ating komunidad.

Ang pagsikat ng araw ay ang  hudyat ng panibagong umaga. Isang panibagong araw para sa atin, isang bagong pag-asa na uusbong sa mga nababalutan ng dilim. Kasabay ng pagsikat nito ay pagiging buhay ng ating mga patay na isipan at paggising ng ating mga natutulog na damdamin. May mga taong nagsisilbing liwanag sa ating buhay. Marahil ay hindi natin nararamdaman ang halaga nila sa atin dahil nasanay tayong lagi silang nasa ating tabi, tandaan sana natin na kasabay ng pagbuo ng mundo ng ilang  bilyong taon na ang nakaraan ay ang paglikha ng Panginoon ng isang malaking tanglaw na pupuno sa araw.

Liwanag nila’y tumatanglaw sa ating mundo at ang iyong liwanag ay tumatanglaw sa ibang tao. Ganyan kahalaga ang ating mga kapamilya, kaibigan at ang mga taong pinapahalagahan natin. Sila ang dahilan ng ating mga ngiti sa araw-araw. Sila ang ibinigay ng ating Panginoon upang gabayan tayo sa araw-araw. Subalit huwag kang tumingin ng diretso sa kanila. Tingnan mo rin ang sarili mo bilang nasisinagan ng araw. Lagi kang nakangiti tuwing nakikita mo sila, kapag pagod ka, pilit nilang pinapagaan ang mga pasanin mo at higit sa lahat ay lagi kang may dahilan upang gumising at ipagpatuloy ang iyong buhay.

Ang araw ay sumisimbolo sa mga  taong pinapahalagahan natin. Tinatanglawan ang daigdig natin at pilit na binubuhay ang ating damdamin. Hindi man natin sila ramdam ay nararamdaman naman sana natin ang epekto nila sa ating sarili. Ngunit tandaan natin na kahit lumubog na ang araw ay nandyan parin ang mga mumunting ilawan na nagliliwanag kasabay ng dilim. Huwag tayong magtuon ng pansin sa dilim, sa halip ay pagtuonan natin ng pansin ang mga mumunting liwanag na nakapaligid sa atin. May bagong pag-asa dahil pagkatapos ng gabi ay muling sisikat ang isang napakalaking bolang apoy.

photo from http://www.colourbox.com

photo from
http://www.colourbox.com

Takip ng Buhay

Cynthia Resurreccion

Sa buhay ng tao, may mga bagay na kapansin-pansin at para sa atin ay walang kabuluhan sa ating buhay. Sabi nila’y lahat ng bagay ay may katuturan ngunit hindi ba kahit minsa’y sumagi sa isip ninyo kung bakit may salitang “meaningless”?

Mga matang mapagmasid wari’y mundo ay nalibot na. Mga katanungang nabuo sa aking isipan, ito na nga ba ang mga kasagutan na nais kong makamit? Isang bagay ang siyang pumukaw sa natutulog kong isip. Bagay na masasabi kong isa lamang ordinaryong bagay na kadalasan nating nakikita sa paaralan gayuni’y sa iba’t-ibang lugar sa mundong ibabaw na ating ginagalawan. Sa paglilibot ko, ako’y napahinto at binigyang pansin ang isang bagay. Hinintay kong gumalaw o pulutin ito ng sinumang dadaan o makakakita nito. Ngunit walang sinumang nagbigay pansin dito.

Hindi ko na mapigilan na ilahad sa inyo kung ano ito. SIgurado ay kating-kati na kayo na malaman, Isang simpleng takip lamang ito ng ballpen. Sabi nila’y sa simpleng ballpen ay maaari kang mamatay. Ito ay isa lamang na eksaherasyon ng mga tao.

Ganito iyong, kapag walang ballpen, walang notes. Kapag walang notes, walang pag-aaral. Kapag walang pag-aaral, walang pera. Kapag walang pera, walang pagkain. Kapag walang pagkain, magugutom. Kapag nagutom, papayat. Kapag pumayat, papanget. Kapag pumangit, walang gf/bf. Kapag walang bf/gf, walang asawa. Kapag walang asawa, walang anak. Kapag walang anak, madedepress. Kapag nadepress, magkakasakit. Kapag magkakasakit, mamamatay ka. Kapag namatay ka, wala kana. Kaya, ingatan mo yang ballpen mo. Yan ang ilang biruan ng mga nakararami tungkol sa ballpen.

Isa lamang sagabal sa ilan na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na para sa atin ay mahalaga. Itong simpleng ballpen ay maihahalintulad sa nangyayari sa kasalukuyan. Siguro kung pera ito na nagkakahalaga ng isang daang piso ay pupulutin ito ng sinuman sa atin. Hindi ba? Hindi ba’t isang kahibangan na bigyang pansin lamang natin ang mababaw na kahulugan ng malaki o maliit na bagay sa ating mundo?

Tulad sa reyalidad may mga taong hindi binibigyan ng pansin. May mga taong katulad ng takip ng ballpen na pakalat-kalat lamang sa iba’t-ibang lugar. Gayundin may mga tao na hindi natin inaasahan na makikilala at magiging bahagi ng ating buhay. Para yang mismong takip ng ballpen, isang oportunidad sa  atin na pulutin ito lalo na’t ito ay angkop sa nawawalang takip ng ating ballpen. Ganito rin sa ating buhay. May mga bagay o tao na mawawala ngunit may hahalina para punan o takpan ang nawalang bahagi sa ating buhay.

Ang takip ng ballpen ang siyang pumoprotekta sa panulat nito. Sa buhay may mga tao na magtatakip sa butas o punit sa ating imperpektong buhay. Sila ang magsisilbing taga protekta sa mga panahon ng kababalaghan. Mga taong siyan magniningning tulad ng mga bituin sa langit.

 

photo from  www.john.do

photo from
www.john.do

 Diary ng Masipag

Jared Inigo

Kadalasan ang estudyanteng katulad ko ay mayroon nito. Maliban sa ballpen, ito rin ang unang binibili ng ating mga magulang kapag malapit na ang pasukan. Kadalasan dito rin natin isinusulat ang ating mga notes, assignment, reflection and everything. Kadalasan dito rin nababasa ng mga teacher ang essay nating puro wrong gramming este grammar pala. Madalas din itong mapunta sa ibang dimensyon dahil sa klasmate mong walang assignment sa math, physics at iba pa. Kung gagawin mong front page ang back page nito, aakalain mong scratch notebook o drawing book ito dahil sa hindi maipaliwanag na  mga pangyayari o tinatawag nilang doodle.

Alam mo bang maraming klase ito? May manipis at makapal meron ding small para daw sa quiz, meron ding medium para sa most important subject at big naman para sa medyo boring na subject, baliktad noh? Ito nga pala ay notebook obvious ba? Alam mo ba kung ano talaga ang mas nakakamangha sa notebook? Ito yung bagay na pinag susulatan natin ng summary ng isang aklat na tone-tonelada ang pages. Kung tutuusin nga, 5 subjects sa isang notebook ang magagamit mo pero asahan mong hindi ito aabot ng 4th quarter. Oh diba ang tipid kung saan pede ka ng tawagin ng nanay mo na best anak ever. Dito rin natin isinusulat ang mga equation sa Math, conversion factor sa Physics, tamang gamit ng gitling sa Filipino, tamang spelling naman sa English ouch! Minsan aakalain mong mini-google ito kapag gusto mong magrecite sa favorite mong subject, pero kumporme ang dami ng iyong irerecite sa dami ng notes na mayroon ka, kasi madalas summary na nga sinasummarize mo pa, expert?

Dito mo rin sinusulat yung maladoktor mong sulat kamay na parang password, ikaw lang ang nakakaalam. Ito rin yung bagay na nagpapataas ng prideness ng isang estudyanteng todo-todo kung gumawa ng assignment parang kinopya yung buong aklat , grabe google chrome ang tatak ng notebook nya. Pero hindi natin maikakaila na mas matalino pa ang notebook natin kung may buhay lang sila. Madalas nga pagkabukas mo may sagot kana pero kung nakasara ito, wala — nga-nga ka, processing ka pa rin. Sana parang notebook nalang ang utak natin para pagkabukas natin insert lang ng insert at answer ng answer agad-agad. Masasabi kong daig ng masipag ang taong matalino kasi kung tamad ka naman anong binatbat mo sa taong may kodigo. Pero hindi laging correct answer ang kodigo, matuto ka namang maging independent. Kung may buhay lang yang notebook mo binatukan ka na niyan, pangit na nga sulat mo hindi mo pa pinag-aaralan. Hiyang hiya naman yan sayo. Basta wag lang sana sa notebook umiikot ang sagot mo sa quiz. Try mo ring magexplore baka makagawa ka ng bagong theory na maaaring maging fact in the future.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: