Wikang Filipino, Wika ng Bayani!

Ni Richwynn Cedric U. Ong (5E)
Ang mga bata sa Baitang 4 ay nagatataas ng “Katotohanan” o “Kalokohan” batay sa impormasyong narinig

Ipinagdiwang ng Paaralang Xavier ang Buwan ng Wika at Kasaysayan noong Agosto at Setyembre, sa temang “Wikang Filipino, Wika ng Bayani.” Naging napakasaya nito para sa aming mag-aaral dahil puno ito ng samu’t-saring gawain. Sa pamamagitan ng programang ito, lalong napahalagahan ng mga mag-aaral ang sarili nating wika.

Naalala ko ang timpalak na “poster-making contest” para sa Baitang 5. Aktibong lumahok ang aking mga kaklase at kaibigan dito. Hindi ko makalimutan kung gaano ka-seryoso ang aming pangkat, pati na ang buong klase upang pagandahin ang aming “poster”. Nakita ko ang mainit na pagtutulungan ng bawat miyembro para sa magandang kakalabasan ng proyekto. Ang Baitang 3 hanggang 6 ay nagkaroon din ng “poster-making contest” samantalang bumisita naman ang ilang magulang para magkuwento ng aklat pambata sa Baitang 4. Masiglang naglaro ang mag-aaral ng Baitang 5 sa Palarong Pinoy. Inilunsad naman ang Kuwentuhang Kabataan sa Baitang 6 kung saan bumisita ang kilalang tagalathala (publisher), Segundo Matias Jr., ang  manunulat na si  Liwliwa Malabaed at ang ilustrador na si Hubert Fucio. Ibinahagi nila ang kanilang kaalaman at galing sa pagbuo ng isang aklat pambata.

Bukod sa nakakatuwang mga gawain sa loob ng silid-aralan, nasiyahan ang mga kapwa ko mag-aaral sa mga gawaing ginanap sa kantina. Nalibang ang mga bata sa Baitang 3 sa paglalaro ng Pinoy Henyo. Ang mga bata sa ikaapat na baitang ay naglaro naman ng Tagisan ng Talino. Sa larong ito, nakikinig ang mga bata sa “trivia” o impormasyong babanggitin tungkol sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Siyempre, hindi nagpatalo ang aktibidad na ginawa sa Baitang 5. Bawat seksyon ay nagkaroon ng kalahok na magtatanghal ng kantang Pilipino sa harap ng lahat. At para sa huling gawain, nagsagawa naman ng FliptoXS of Fliptop sa Xavier School ang Baitang 6. Sa gawaing ito, nagrap ang mga piling bata batay sa isang tiyak na paksa.  Hindi lang Baitang 6 ang nasiyahan sa FliptoXS dahil labis din kaming natuwa sa pagbisita ng “rap artist” na si Balakid na nang-aliw at nagpasaya sa amin sa pamamagitan ng kanyang mga kantang rap.

Noong buwan ng Agosto at Setyembre, kitang-kita ang tuwa sa mukha ng mga mag-aaral at guro. Sa pamamagitan ng programang ito, lalo naming nakilala ang kulturang Pilipino, lumalaim pa ang pagpapahalaga namin sa sariling lahi. Sana hindi nagtatapos sa Buwan ng Agosot ang paggamit namin ng Filipino. Hinihikayat ko ang aking mga kamag-aral na gamitin ang wikang Filipino sa pagsusulat at pagsasalita sa pang-araw-araw na buhay. Ang ating sariling wika – wika ng bayani, wika ng sambayanang Pilipino. Ipagmalaki natin ito!

 

Ang dalawa sa kalahok ng Baitang 3 habang naglalaro ng Pinoy Henyo

Ang dalawa sa kalahok ng Baitang 3 habang naglalaro ng Pinoy Henyo

Masayang sumusuporta ang mag-aaral ng Baitang 5, kasama ang mga guro sa Filipino na si Gng. Ivy Enaje at Gng. Venus Calzado, habang nanonood sa mga naglalaro

Masayang sumusuporta ang mag-aaral ng Baitang 5, kasama ang mga guro sa Filipino na si Gng. Ivy Enaje at Gng. Venus Calzado, habang nanonood sa mga naglalaro

Ang rap artist na si Balakid kasama ang ibang hurado - G. Rey Aude at G. Emman Abadam sa ginanap na FLIPTOXS (timpalak sa rap at fliptop)

Ang rap artist na si Balakid kasama ang ibang hurado – G. Rey Aude at G. Emman Abadam sa ginanap na FLIPTOXS (timpalak sa rap at fliptop)

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: