XS San Juan HSPO: Summer Reading List for FILIPINO

hspo

 

Marso 7, 2014

Sa mga mag-aaral ng Mataas na Paaralan (TP 2014-2015):

Malapit na ang bakasyon!

Matapos ang dalawang buwan ng inyong pamamahinga at pagsasaya kasama ang pamilya, sa darating na pasukan ay isa ka nang ganap na mag-aaral sa hayskul bilang Grade 7! Excited ka na ba? Kung oo, kailangan mo nang ihanda ang iyong sarili sa tuwa at saya na puno ng kaalaman sa pag-aaral sa Filipino! Ang sumusunod ay ang aklat na kinakailangang (required) mabasa mo habang nakabakasyon:

Grade 7: Pilandokomiks (isyu 1) Ang Tatlong Sumpa ni Borg Sinaban (Adarna House, Inc.)

Kaugnay nito, bilang bahagi ng ating pagnanais na makamit ang tunay na pagkatuto sa pamamagitan ng pagpapahalaga tungo sa pagkahilig at pagmamahal sa pagbabasa ng lahat, ang mga sumusunod ay ang mga kinakailangang (required) basahin ng mga mag-aaral sa Grade 8-High 4:

Grade 8: Ang Higanteng Maramot at iba pang kuwento ni Oscar Wilde isinalin nina Jonathan Chua, Danton

Remoto, DM Reyes (Anvil Publishing Inc.)

Grade 9: Ang Lihim ng San Esteban ni Annette Flores Garcia, isinalin ni Nanoy Rafael (Adarna House, Inc.)

Grade 10: Ang mga Kaibigan ni Mama Susan ni Bob Ong (Visprint, Inc.)

High 3 (non-IB): Titser ni Liwayway Arceo (Ateneo de Manila University Press)

High 4 (non-IB): Alamat ng Gubat ni Bob Ong (Visprint, Inc.)

Ang mga nabanggit na aklat/babasahin ay ang mga kuwento’t istorya na magiging bahagi ng inyong aralin sa Filipino para sa darating na pasukan 2014-2015.

Malugod na inaanyayahan ang lahat sa gaganaping Book Fair (National Bookstore) sa ika-26 ng Marso sa tapat ng High School MPH (para sa mga libro ng G8 – H4) at sa Sports Center (para sa mga libro ng G7 – pababa). Huwag nating palampasin ang pagkakataong ito!

Inaasahan namin na sa pamamagitan nito ay mabubuo mo sa iyong sarili na tuklasin ang hiwaga at saya na dulot ng tama at wastong pagbabasa!

Salubungin natin ang darating na pasukan na puno ng saya at pagkatuto!

Matapat na sumsainyo,

PERPETUA FIORIKA A. CUEVAS

Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino

Nababatid:

MA. THERESA N. LADRIDO

Katuwang na Punung-guro, Pang-akademiko

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: