BooKuwentuhan sa Xavier Nuvali

AJ Diu and Ronan Ibuna, Gr. 8 - Bl. Chiara Badano
Ipinaliwanag ni G. Nanoy Rafael ang kahalagahan ng mga aklat sa mga mag-aaral ng ikalawa at ikatlong baitang. Mga litrato galing kay G. Gel Domingo.

Ipinagdiwang sa Paaralang Xavier Nuvali ang Pambansang Araw ng mga Aklat Pambata noong ika-15 ng Hulyo sa pamamagitan ng  isang BooKuwentuhan na ginanap sa silid-aklatan ng paaralan sa pakikipagtulungan ng Adarna Publishing House.

Ang tema ng pagdiriwang ay “Pumitas ng Aklat. Buklatin. Basahin.” ayon sa ipinanukala ng  Philippine Board on Books for Young People (PBBY). 

Dumalo sa nasabing pagdiriwang sina Edgar Calabia Samar, may-akda ng Janus Silang; G. Nanoy Rafael, may-akda ng Naku, Naku, Nakuuu!, Bb. Weng Cahiles, may-akda ng What Kids Should Know About Andres and the Katipunan, at Bb. Fran Alvarez, ilustrador ng Hating Kapatid

Nagbahagi si Bb. Alvarez ng mga paraan kung paano bumuo ng mga larawang angkop sa mga aklat-pambata sa mga mag-aaral sa Unang Baitang. 

Ipinaliwanag naman ni G. Rafael sa mga mag-aaral ng Ikalawa at Ikatlong Baitang ang kahalagahan ng mga aklat at ng mga silid-aklatan mula sa kanyang karanasan noong gawaran ang “Naku, Naku, Nakuuu!” ng isang pandaigdig na karangalan sa Europa. 

Ayon naman kay Bb. Cahiles, ang kanyang paghanga sa bayaning si Andres Bonifacio ang nagtulak sa kanyang sumulat ng isang aklat tungkol sa bayani upang higit pa siyang makilala ng iba.  

Sa panayam naman ni Prop. Samar sa mga mag-aaral ng Baitang 7, 8, at 9, ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng imahinasyon upang higit na maunawaan ang kalalabas pa lamang niyang aklat na “Janus Silang”. 

Nagpapirma ang mga mag-aaral ng XSN sa mga magsusulat at ilustrador.

Nagpapirma ang mga mag-aaral ng XSN sa mga manunulat at illustrator.

Ang Paaralang Xavier Nuvali ay nakiisa sa taunang pagdiriwang ng Araw ng mga Aklat Pambata na ginugunita tuwing ikatlong Martes ng Hulyo. Hindi natuloy ang pambansang pagdiriwang dahil sa bagyong Glenda at tunay na mapalad ang paaralan dahil naipagdiwang na ito. 

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: