Buhay Sa Pluma at Papel

Kenneth Domaoal, Julius Bueno and Chroy Cabauatan, ET Pen Pushers Guild
photo taken from 2.bp.blogspot.com/

Sabi nga nila, makapangyarihan ang pagsulat, pero para sakin, hindi masyado. Nakakapanakit, nakakapinsala, nakakabuti at nakakapagbigay ligaya.

Sa mundo ko, hindi uso ang pagsulat ng gaya nito. Wala lang talagang magawa kaya napipilitan, lalo na kung talagang kailangan. Hindi ako magaling sumulat o gumawa ng kahit anong bagay kaugnay dito, sadyang darating lang talaga sa pagkakataong may gana o wala ako kung magsusulat. Hindi ako palabasa pero palasulat naman, hindi nga lang ng tulad ng ganitong mga uwi ng pagsulat. Nagugustuhan ko lang magsulat kung tunay ngang maganda ang paksa ng susulatin.

Isa akong estudyanteng masiyahin, makulit, seryoso at tamad sa ilang mga bagay lalong lalo na sa pagbabasa. Sa pagsali ko sa samahang ito, ako’y nangangamba sa ilang mga gawaing para sa aki’y hindi ko magagampanan. Simpleng estudyanteng naimpluwensyahan, iyan ang dahilan ng aking pagtahak sa mga gawaing ito. Hindi man ako mahusay ngunit naniniwala akong may kakayahan at abilidad akong maibabahagi ko sa samahan na aking pinasok at pinili. Sisikapin ko pa ring gampanan ang mga bagay na maibibigay sa akin.

Sa pagtatapos nitong gawaing ito, inaasahan ko na ito’y makakatulong sa pagtingin ko sa mga gawaing may kinalaman sa pagsulat at literatura. Lumawak at madagdagan ang aking kaisipan at abilidad sa pagsulat, iyan ang mga bagay na nais kong mahubog at kumintal sa aking pagkatao.

–Julius Gene Bueno

 

July 25, 2014, simula ng Enrichment Group at simula rin ng pagtahak ko sa mas malawak na mundo ng pagsulat. Ang Enrichment Group ay isang samahan o organisasyon kung saan mahahasa mo ang iyong talento. Ngunit bakit nga ba ako sumali sa ET Pen Pushers? Dahil ba wala masyadong ginagawa dito o dahil ba sa wala akong mapuntahan? Sumali ako sa ET Pen upang mas lalo ko pang mahasa ang aking sarili sa pagsulat. Bukod pa rito ang pagsusulat ay isang instrument kung saan maari mong mipahayag ang iyong damdamin, saloobin, ideyang mga nais iparating.

Ang pagsulat ay isang bagay na may kakayahang magbigay ng kahit anong klase ng mensahe, ito man ay nakakabuti o nakakasama. Ang pagsulat ay maihahantulad sa isang kanta na isinapuso at naglalaman ng mensahe. Sa pagsulat, ito ay may iba’t-ibang klase. Gaya ng sabi nila ang pagsulat ay isang malaking bagay na mayroon kapangyarihang makapagpasaya o makapanakit ng tao kaya ang pagsulat ay hindi ginagamit upang tayo ay makapagpababa ng isang pagkatao. Gaya na lamang ni Dr. Jose Rizal sa kanyang pagsusulat ay may nakatagong dahilan upang siyang maging dahilan sa tinatamasang kalayaan. Sa kanyang akdang Noli me Tangere at El Filibusterismo maski na rin ang pagpapalaganap ng La Solidaridad ay ang mga akdang naglalaman ng mga kamangha-manghang mga salitang may malalim na mga pahiwatig at layunin. Sa pagsulat ni Rizal ng mga nobela nagising ang makabayang damdamin ng mga Pilipino.

Tunay ngang makapangyarihan ang pagsusulat, dahil sa pagsusulat maari kang makapagbigay inspirasyon sa ibang tao. Damdamin ng isa ang siyang pinagmulan kung bakit nais natin magsulat. Hindi lamang pagapapahayag ng damdamin ang pagsulat kundi pati na rin sa pagpapakilala mo sa iyong sarili at sa buong lipunang ginagawalan mo. Ang pagsulat ay nakakapagdulot ng saya, lungkot pati na rin ng takot sa isang pagkataong sarili’y itinuturing na isang indibidwal sa mundong ito, ang mundo ng mga salita.

-Chroy Cabautan

 

Word War III

Nakakaantok, ang boring at lalaong nakakatamad magsulat. Simpleng notes nga di pa masulat, isang akda o sanaysay pa kaya? Pero tila nga bang isang sandata’t kapangyarihan talaga ang pasulat na maaring magbago sa paniniwala, perspektibo at ugali ng isang tao? Isang kapangyarihang daig pa ang mga pinaniniwalaan kong superheroes sa pagpapalaganap ng impluwensyang paniniwala sa mga bagay na mga nangyayari at mga bagay na hanggang sa pagtulog ko na lamang masasaksihan na kapag dumating na ang pagkamulat ko’y mawawala na dinaig pa kabagalan ko sa pagsulat.

Isipin mo, kung ang pagsulat ay wala marahil ay di natin nalaman ang pagbuhay ng Diyos, ang pagkamatay ng ating mga bayani pati na rin ang mga mapanlinlang na kwentong bayan.

Bago ang pagbasa ay pasulat na ang unang tinuro sa atin. Simpleng guhit pababa, pahalang at pahiga ang mga sinusulat natin sa unang paghawak natin ng lapis at pagdama’t pag-amoy sa kung ano nga talaga ang papel, minsan pa nga ay pabilog-bilog na hindi mo malaman kung ano bang bagay na pinulupot.

Marahil ay di ka maniniwala na bilog ang mundo kung di ka nakapagbasa ng librong nagmula sa pagsulat ng mga mapanlarong mga dalub-agham. Siguro tayo’y mangmang kung walang pagsulat, tinalo pa tayo ng mga sanggol na walang muwang. Wala sa bokabularyo ang pagsulat ng mga ganito sa halip ay hilig ko ang pagbasa hindi ng mga librong milyon ang nilalaman na mga salita kundi nga mga bagay na ukol sa pagbabago at mga kaganapan sa mundo, yun nga lang ang pagbabasa ay mula din sa pagsulat ng kung sino man. Nang dahil sa sulat ng iba akalain mong napaniwala ako sa mga alien at nalaman ko ang ilang kababalaghan at misteryo ng mundo.

Pagsulat ang nagbibigay kahulugan sa bawat pahayag na walang kalinawan. Dahil sa takot mong magsalita’t malinawan ay mararapatin mong magsulat na lamang, marami naman kasing papel, konting tasa ng lapis, siguradong ilang porsyento ng tao’y nabago na ang pananaw dahil sa pagsulat mo.

-Kenneth Domaoal.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: