Araw ng Wika: Ipinagdiwang ng mga nasa Ikalawang Baitang

isinulat ni Bb. Caselyn Ponon, guro sa ikalawang baitang
mga larawan mula sa mga guro sa ikalawang baitang

Masayang nagtapos ang Buwan ng Wikang Pambansa para sa mga nasa Ikalawang Baitang nang noong ika-29 ng Agosto ay nagtipun-tipon ang lahat para sa iba’t ibang gawain para sa pagdiriwang ng Araw ng Wika.

Nagsimula ang araw sa isang palatuntunan sa Lecture Hall kung saan binuksan ang pagdiriwang ni Gng. Ivy Enaje, Puno ng Kagawaran ng Filipino, at ipinaalam naman ni Gng. Orqueza, Team Leader ng Ikalawang Baitang, ang mga nakatakdang gawain para sa araw na ito. Nagtapos ang maikling palatuntunan sa pag-awit ng mga awiting pambata sa wikang Filipino.

Matapos ang paglalaro ng “Pinoy Henyo!” at ang meryendang salu-salo ng mga pagkaing Pinoy sa bawat silid-aralan ay nagsimula na ang kanilang Center Time.

kuwento1 kuwento2Sa tulong ni Gng. Diaz mula sa GS LRC, naimbitahan si G. Miko Corroza mula sa Adarna House upang ibahagi sa mga mag-aaral ang mga kuwentong “Bruhahahahaha… Bruhihihihihi” ni Ma. Corazon Remigio, “Bakit Matagal ang Sundo Ko?” ni Kristine Canon at “Hating Kapatid” ni Raissa Falgui sa center na “Kwentuhan Na!”

art1 art2

Ipinamalas naman ng mga bata ang galing nila sa pagguhit at pagkulay ng mga pambansang sagisag gamit ang mga krayola at papel de liha sa center na “Likhang-Kamay.” Pinamunuan ang gawaing ito ni G. Alcala mula sa Kagawarang Pansining at ni Bb. Agustin.

polvoron1 polvoron2Nasarapan naman sa pagkain ng mga polvoron ang mga mag-aaral sa center na “Yum, Yum Polvoron” kung saan ibinahagi sa kanila nina Gng. Orqueza at Gng. Alvarez kung paano gumawa ng malinamnam na polvoron.

palaro1 palaro2Sa hapon naman ay masiglang nakilahok ang lahat ng mga mag-aaral sa iba’t ibang laro sa center na “Palarong Pinoy” sa pamamahala ng mga guro mula sa Kagawaran ng Edukasyong Pangkatawan.

Nagbukas ang pagdiriwang ng “Linggo Filipino” ng Mababang Paaralan noong ika-18 ng Agosto at sa araw na ito ay namalas ang mga kasuotang Pinoy na ginamit ng mga guro. Pagkatapos nito ay nagkaroon naman ng mga sesyon ang mga mag-aaral sa Ikalawang Baitang para sa mga gawaing pagkukulay ng mga pambansang sagisag at ng poster para sa pagdiriwang.

Mga batang pinarangalanKasuotanGinawaran din ng pagkilala ang mga mahuhusay na mag-aaral sa pagguhit at pagkulay ng iba’t ibang sagisag ng Pilipinas. Ang mga nagkamit ng pagkilala at sertipiko ay sina Robin Patrick Mojica (2A), Michael Andrei Salvador (2B), Stefano Francisco San Gabriel (2C), Marcus Joaquim Baquiran (2D), Heintnier Martin Sy (2E), Tyler Dee Villanueva (2F), Aldridge Benito Gosun (2G), Lewis Tiu (2H), at Adam Kenin Paatan (2I).

Masayang nagwakas ang Buwan ng Wika para sa mga nasa Ikalawang Baitang. Ngunit nagtapos man ang buwan ng Agosto ay hindi naman magwawakas ang pagkilala at paggamit nila ng wikang Filipino. Magpapatuloy pa rin ang pagkatuto, pagpapahalaga at pagmamahal sa wikang pambansa!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: