Buwan ng Wika ng Pagkakaisa

isinulat ni Richwynn Cedric U. Ong, 6C (Hoofprint)
Si G. Roger Maghuyop mula sa Mataas na Paaralan nagsalaysay ng mga kuwentong kabataan; mga larawan mula kay G. Reagan Austria, guro ng Filipino sa Mababang Paaralan

Ipinagdiwang ng Mababang Paaralan ng Xavier ang Buwan ng Wika at Kasaysayan sa taong ito alinsunod sa temang “Wikang Filipino, Wika ng Pagkakaisa”. Ito ay naging napakasaya para sa aming mga mag-aaral dahil puno ito ng sari-saring kawili-wiling gawain.

 

fil2.001

Dumalo si Ginoong Jomike Tejido, ang sikat na lumikha ng seryeng aklat na Foldabots. Sa kanyang alternatibong klase na ginanap sa aklatan, ipinakilala niya ang kanyang bagong seryeng Jepoy Dyip. Kitang-kita ang kasabikan sa mukha ng maraming mag-aaral na dumalo at humanga sa kanyang talento.

fil3.001

Ilan sa mga gawain ay ang tagisan ng galing sa pagkanta gaya ng VideOKEYhan ng baitang 5 at Tawag ng Tanghalian ng baitang 6. Paulit-ulit na kinata ang “Hawak Kamay” na sadyang angkop sa tema ng pagdiriwang na ito. Tagisan naman ng talino ang ipinakita ng mga mag-aaral sa mga larong tulad ng XSINOY HENYO ng baitang 3 at Katotohanan o Kalokohan ng baitang 4. May mga guro at mag-aaral din mula sa Mataas na Paaralan ang nagsalaysay ng mga kuwentong kabataan. Naghanda pa sila ng mga props at costumes para lalong maging kawili-wili ang pagkukuwento. Higit sa lahat, pinagsaluhan ng lahat ang mga masasarap na pagkaing Pinoy na inihanda ng mga mag-aaral.

fil1.001

Tunay na nasiyahan ang mga mag-aaral sa lahat ng gawaing inihanda. Hinikayat din ng mga guro ang mga mag-aaral na dalasan ang paggamit ng wikang Filipino sa pagsasalita at pagsulat. Sa pamamagitan nito, napahahalagahan ang wikang pambansa. Napagkakaisa din nito ang lahat dahil tayo ay nagkakaintindihan.

Patuloy nating ipagmalaki ang sariling wika, ang wikang Filipino, ang wika ng pagkakaisa!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: