Agosto sa Kalye

by Marcela Lopez, ET Pen Pushers Guild
photo taken from http://isucceedbook.com/

Nakakunot ang aking noo, hindi ko mabuksan at naniningkit ang aking mga mata sa pag-ilag sa liwanag ng araw. Nadarama kong tumutulo ang aking pawis sa gilid ng aking tainga, ngunit hindi ko ito magawang punasan dahil sa hawak kong bag at envelope sa kabila kong kamay. Hindi ko pa rin alam kung paano ako hihinga sa haba ng paglalakad ko. Hindi ko magawang pumili ng aking lalanghapin — kung mapolusyong hangin ba o usok galing sa vendors at mga basong plastic na nasa harap ng isang mamang punit-punit  ang damit, tila wala pang ligo ng ilang araw at sinasabing wala siyang makain ngunit may sigarilyo sa kanyang damit.

Tila ata hindi napapansin  ng madaming taong kasabay ko maglakad ang isang batang umiiyak. Umiiyak siya kung paano ko sana gustong umiyak dahil sa bigat at sumasabog kong dibdib. Limang taon, kasama kong umiyak sa aming kwarto at tumawa sa kalsada si Jenny. Ngunit kaninang umaga lang ay ganito ang binibitawang mga salita niya tungkol sa akin. “Bestfriend?” We are never been friends.” Hindi ako magaling sa balarilang ingles pero alam kong mali ang pagbuo niya ng pangungusap at nasasaktan ako, sobra akong nasasaktan. Pero bakit mukhang tagalog naman ang sinasabi ng batang umiiyak na naaawa siya pati na rin ang isang lalaking putol ang paa na nakaupo sa upuang may gulong at tila nais sanang umakyat ng overpass, ngunit ni isa ay walang pumapansin.

Unti-unting nagiging maliwanag ang mga imahe sa akin noong bata pa ako. May mga tulo ng dugo noon sa puting sahig namin at hanggang ngayon ay hindi ko nakakalimutan ang sigaw ng paghingi ng tulong. Yun lang ang naaalala ko at kung paanong walang saklolong dumating. Bukod sa usok na inilabas ng mga jeepney, ito ay maya-mayang nagmumurahan. Minsan kaming pinagawa ng slogan para sa temang, “Wikang Filipino; Wika ng Pagkakaisa.

Ganyan lagi ang tema tuwing Agosto, nag-iiba lang ang pwesto ng mga salita, pero iisa ang mensahe. Ang aking nabuo ay “wika sa pagkakaisa, pang-unawa ang mahalaga.” Ngunit values education daw ang dating.

Nahulog ang dala kong gamit, kasabay nito ang pagputol sa aking pag-alala. Nabangga ako ng isang lalaking hindi man lang lumingon upang humingi ng paumanhin. Habang pinupulot ko ang aking gamit, nakita ko ang aking gamit, nakita ko ang papel na kulay lila. Bigay ito ni Jenny, dalawang taon nang nakalipas. Iniangat ko ang aking ulo kasabay nito ang pagtambad ng mga mainit na ngiti ng isang matandang puti ang balat. Tila bumagal ang lahat nang napatahan niya ang batang nasa kariton na iniwan at binigyan nya ng pagkain. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa gayong magkaiba sila ng wika panigurado. Ganito ang Agosto sa Kalye.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: