Pagpaparangal sa mga Nagsipagwagi sa Buwan ng Wika, Kinilala

ni Grant Axel Glifonea, ET Pen Pushers Guild

Pormal ng winakasan ang pagdidiwang ng buwan ng wika sa ERDA Technical Vocational Secondary School noong ika-28 ng Agosto taong 2014. Masasabing isa ito sa mga matagumpay na gawaing isinagawa sa paaralan dahil sa pangunguna ng mga gurong kasapi sa Kagawaran ng Sining ng Komunikasyon at dahil na rin sa maayos na kooperasyon ng mga mag-aaral na nagpakita ng kani-kanilang mga talento, galing at talino sa gawaing ito.

Nagsimula ang gawain sa isang panalangin na pinamunuhan ni Bb. Marjorie Aguja mula sa 8-Yakal. Sinundan naman ito ng isang malaman na pambungad ni Bb. Rachel Torricer na nag iwan ng isang mahalagang mensahe para sa mga mag-aaral ‘’…hindi sana mawala ang pagmamahal natin sa wikang Filipino kahit tapos na ang Buwan ng Wika …”

Pagtapos naman nito ay nagpalabas ng isang dokyumentaryo tungkol sa wika na nagpakita ng kahalagahan ng wika sa bansa at kung ano na rin ba ang mga maling gamit natin sa wika. Sinundan naman ito ng pagkilala sa mga hurado at mga kalahok sa nasabing gawain, mula sa Ika-8 na baitang hanggang sa Ika-4 na taon, kinilala isa-isa at binigyan ng kanya-kanyang mga parangal.

Sa ika-8 na baitang na naglaban-laban sa kanilang sariling kathang ‘Balagtasan’, ang kinilalang pinakamahusay na Tagapagtanggol ng Lungsod ay si Joyce Ann Busante, si James Rhobin Besa bilang pinakamahusay na Lakandiwa, at si Daryll Caronan bilang pinakamahusay na Tagapagtanggol ng Lalawigan.

Sa ika-9 na baitang ay kinilala naman ang tatlong mahuhusay sa Dagliang Talumpati na sina (3) Cynthia Ortiz ng 9-Nikel, (2) Pearl Magbanua ng 9-Nikel at si (1) Rachel Candoy ng 9-Pilak.

Sa ika-4 na taon naman ay kinilala ang pangkat Kapayapaan na pinakamahusay sa pag-awit ng kanta tungkol sa wika.

Nagtanghal naman ang ‘ET Chorale’ ng isang malumanay at nakakaindak na kanta — ang ‘Manong Sorbetero’ — sa kumpas ni G. Elmer Bueno, upang magbigay ng konting aliw bago ang pangalawang bilang ng mga parangal.

Pinarangalan naman ang mga mag-aaral na lumahok sa Tagisan ng Talino kung saan nanalo ang pangkat Lope K. Santos, Pagsusulat ng sanaysay – Stephany Dionne Benjamin at ang pangkat Matiyaga para sa Salawikain.

Sumunod naman dito ang natatanging pagtatanghal ng ‘Unleashed Movement’ sa pamumuno ni Bb. Isabel Mondero, at pagkayaon ay kinilala naman sina G. Elmer Bueno at Gng. Eden Baltazar dahil sa kanilang natatanging kasuotan para sa Gawain.

Natapos ito sa isang pangwakas na pananalita ni G. Ernesto Chua Jr., ang Ikalawang-Punong Guro sa Akademiko, at sa isang panalanging pasasalamat sa pangunguna  ni G. Jared Inigo.

Panuorin ang bidyo sa nangyari sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2014

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: