Pili-Pinoy

by Lander Evangelista, IV- Katarungan
photo taken from http://www.buypinoymovement.com/

Malaya ba talaga ang aking bayan?

May pinapakita nga bang kaunlaran?

O tayo-tayo lang din ang nagsisiraan?

Ako, ikaw, tayo bakit hindi nagtutulungan?

Tayo ay kinukulang sa pagmamahal

Tapos naglolokohan pa ng literal

Nagdadayaan pagdating sa paghalal

Nasisirang bayang gawa ng Diyos Maykapal

Pangarap sa bayan naubos ang tsansa

Yun ay yung ating buhay ay guminhawa

Lahat tayo sa bayan may ginagawa

Yung di tinutulungan dahil sa awa

Alam kong iba tayong mga Pilipino

Sa problema nagngingitian tayo

Iba’t ibang larangan di papatalo

Kahit saan alam mong ikaw ay suportado

Batang pinapaganda ang hinaharap

Gobyernong hindi marunong magpasarap

Pagtutulungan ang palaging sangkap

Mga Pilipinong hindi nagpapangap

Bakit ka pa sa iba nagseserbisyo?

Alam mo namang kailangan yan dito

Alam mo na ngang palubog ang bansa mo

Nakuha mo pang palubugin ng todo

Bakit ba lagi tayong may kanya-kanya?

Nakalimutan na ba ang pagkakaisa?

O nakasanayan na manlamang sa kapwa?

Hoy! Pilpino, panahon na para gumising ka.

Kung susumahin ko ang lahat ng ito

Simple lang naman ang pangarap kong gusto

Gusto ko lang ipaintindi sa inyo

Na magkaroon ka ng paki sa bayan mo.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: