XCE Fujian 2014: Isang Epiko

The following message was delivered during the XCE Fujian 2014 Closing Ceremonies last December 2014 by Mrs. Ivy Enaje.

Good morning, parents, students, and Xavier School Administrators, faculty, and staff!

On behalf of my co-supervisor, I am here today to talk about my experiences as an XCE Fujian teacher. To be honest, I don’t think the word “experience” best captures what I, my fellow supervisors, and all of our 117 students went through these past six-weeks because the roller coaster ride we took with each other goes beyond being a mere experience; what we had was a journey.

Sapagkat ang paglalakbay na ito ay isang epiko.

Ito ang kuwento ng 117 bayaning magliligtas sa bayan.

Kailangan nilang umalis at iwanan ang buhay prinsipe upang kalabanin at patayin ang mga halimaw na nagpapahirap sa mga tao.

Sa kanilang paglalakbay nahanap nila ang kanilang mga sarili at lalo pa silang naging makapangyarihan tuwing makapapatay sila ng mga halimaw.

Sa kanilang pag-alis binigyan sila ni Bathala ng mga Gurong Gabay na tutulong sa kanila sa sakaling hindi nila kayanin ang mga labanan.

Handang handa ang mga Gurong Gabay sa paglalakbay na ito. Ngunit hindi nila akalain magkatulad pala sila ng mga batang bayani na dadaan sa maraming pagsubok.

Sabay silang dumanas ng pagsubok kagaya ng
Mahirap ang may roommate.
Mahirap maglinis ng kuwarto.
Mahirap gumising mag-isa.
Mahirap maglaba.
Mahirap mag-aral ng walang tutor/Kailangang magtutor ng guro.
Mahirap gumawa ng mga bagay mag-isa.

Hindi magiging ganap na bayani ang mga batang ito kung hindi sila dadaan sa kamatayan, kamatayan dahil sa:
Labis na kalungkutan dahil malayo sa mga magulang/sa mga pamilya.
Para sa iba kamatayan ang mahinto ang Intrams.
Isang kamatayan ang pagbagsak sa mga LT.
Labis na kalungkutan o kamatayan ng ang isa sa atin ang dapat umuwi dahil sa pagyao ng kanyang ama.
Nalungkot ang lahat dahil hindi natin nakasama hanggang sa huling paglalakbay ang isa nating kasama.
Ngunit nandito ngayon si Jacob, kasama natin siya.

Kailangang mabuhay ang mga bayani upang maipagpatuloy ang laban.
Nabuhay tayo sa tulong ng ating araw-araw na pagdarasal.
Salamat Fr. Munching sa mga tumimong reflection na inihanda mo para sa akin.
Siyempre pa, hindi mawawala ang mga diwata, ang mga nagagandahang Laosher sa Wa Da.
Samantalang laging nakaabang ang mga dragong supervisor para bantayan at siguraduhing nasa maayos ang lahat at buhay ang mga bayani.

Sabay tayong nag-aral at nabuhay — ibang-iba, malayong-malayo sa buhay na mayroon tayo dito sa Pilipinas.

Katulad din sa pagtatapos ng isang epiko, uuwi ang bayani sa kanyang bayan, mas buo ang loob, mas matalino, mas mabuting tao.

Sa mga mag-aaral, maraming salamat dahil naging bahagi kayo ng aming paglalakbay. Marami ang mga naging binatang ama at dalagang ina dahil inako nilang kayo ay maging mga anak nila.

Sa aming mga nanay at tatay, pansamantala naming iniwan ang aming mga anak dahil inari naming kayong mga bagong anak.

I know it’s a cliché’ but this trip has again proven that teachers learn from their students too. But this journey is even more special. This has made each and every teacher grow professionally, culturally, emotionally and most importantly spiritually. This is because our students, have shown us that the usual care/cura personalis we usually give our students here in Manila, can extend as far as what eyes cannot see. They have made us witnesses of how much care they can give to each other, no matter different they are from each other.

Sa mga magulang, maraming salamat po sa pagtitiwalang ipagkatiwala sa amin ang inyong mga anak. Mula sa aming mga puso, silang lahat ay napakababait na mga bata.

Humihingi kami ng paumanhin sa aming mga pagkukulang at kung hindi namin matapatan ang inyong mga inaasahan.

Students, Teachers, Administrators, Parents, with patience and determination coupled with grit and passion, we were able to turn our epic fail into our epic win.

Maraming Salamat po!
Xie!Xie!

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: