Mag-aantay Ka Pa Ba?

by Reymart Pucolangas, Faculty Member , Science Department
photo taken from http://rightnow.ph/

Unang araw ng taon, matapos mong i-“swish and flick” ang lusis na feeling Harry Potter, matapos manakit ang leeg mo kakatingala sa mga fireworks display ng kapitbahay, matapos mong takpan ang tenga sa lakas ng putukang naririnig at sigawan ng “HAPPY NEW YEAR!!!” ang mga kasama na ikaw mismo eh di mo rin marinig, matapos tumalon ng tumalon sa pag-aakalang nakakatangkad ang ehersisyo sa panandaliang panahon. Matapos mong kumain ng spaghetti, ham, chicken, graham, salad, tapos kakain naman ng spaghetti, ham, chicken, graham at salad. Matapos magmukhang may defogging na naganap sa buong barangay dahil sa usok pagkatapos ng masayang kaguluhan, gigising ka ng umaga, na parang walang nangyari.

“Parang walang nangyari.” Yan ang pipikit ng tenga mo sa mga susunod na araw dahil umaarte ka pa rin ayon sa script ng nagdaang taon. Di ka pa din kasi nakaka “move-on” sa mga bagay bagay na ikinalungkot, ikinaiyak, ikinasakit at ikinagalit mo. Pinipilit mong “dedma” na ang lahat, pero deep inside this armor eh tumu-throwback ka pa. Binabalot mo pa rin ng plastik ang kending di mo na natikman ang tamis. Sinisilid mo pa rin ang sobra na ikasasakto sana ng buhay mo at ng iba. Paulit-ulit mong kinikimkim ang mga bagay na humahadlang sa nakangiting mga pagkakataon. Ginagawa mong atsara ang lahat. In short, you never change.

Actually you’ve changed a bit naman. You’re trying not to reconcile with your friend/enemy. You find ways to stay away from the challenges in life again. You are now pushing away opportunities that will remove you from your comfort zone harder. Meaning, you’re worse than ever, and that’s not good. Sabi nga nila, ang buhay ay parang dota, hanggat di ka susugod, di ka lelevel-up. Kung iiwas ka sa kalaban, di mo malalaman kung anong lakas ang meron ka. Dapat pinaghahandaan, dapat dinidiskartehan, dapat lumalaban.

Ngayong taon, let us move on. Keep in mind that moving on is a phase kung saan tumatayo tayo sa pagkadapa natin. During our childhood days, si nanay o tatay ang umaalalay sa pagtayo natin. Malaki ka na kaya, mag-aantay ka pa ba?

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: