14 Things Para Hindi Maging Bitter sa February 14.

by Grant Axel Glifonea, ET Pen Pushers Guild
photo taken from wordpress.com

Para ito sa mga taong

  1. Pag-alarm ng cellphone mo sa umaga para pumasok sa paaralan babangon ka at siguradong bubuksan mo kaagad ang TV para manuod ng Unang Hirit o Umagang Kay Ganda. Sa puntong ito, mararanasan mo ang pinaka masakit na bagay pag gising mo pa lang sa umaga: Babati ang mga host ng morning show ng “Happy Valentines mga Kapuso/Kapamilya! Saan ang balak nyong date ngayon?!” At ikaw naman tong si Mr/Ms. Lonely na mapapa-upo na lang sa sakit. Kaya, HUWAG!
  2. Kung hindi TV ang una mong bubuksan, andyan naman ang cellphone at ang laptop. Huwag na huwag mong bubuksan ang Facebook/Twitter/Instagram account mo sa mga oras na iyon. Malamang sa malamang ay makakakita ka ng sari-saring post ng mga mag-karelasyon na nagpapangakuan ng ‘forever’. Pero syempre hindi rin mawawala sa mundo ang mga katulad mong Mr/Ms. Lonely, may mga post din na nagsasabing wala daw February 14 sa kalendaryo nila, huwag na huwag ka nang makisali sa kanila. Bakit? Una, hindi mo ikayayaman at ng Pilipinas ang pag-post at pangalawa mala-late ka na kaya maligo ka na at kumain. In short, wag ka nang mag social media.
  3. On the way ka na sa school. Huwag na huwag kang lilingon sa paligid mo. Malamang sa malamang ay makakakita ka ng mga tindera ng bulaklak sa kalsada, at mga magkasintahang bumibili. Mag shades ka o hindi naman kaya ay tumingin na lang sa baba. Sa ganong paraan mababawasan ang sakit na nadarama mo.
  4. Kung hindi pa bukas ang classroom pagdating mo ng school at nag-iisip ka ng mga lugar kung saan pwedeng tumambay. Ito ang mga lugar na hindi mo dapat puntahan: Quadrangle, Patio, Garden, Canteen, Library, Campus, at pati na rin sa Gym, malamang sa malamang dyan sobrang mga sweet na mga nilalang sa paaralan mo. Mas makakabuti kung magkukulong ka sa banyo at magbasa na lang ng aaralin nyong lesson sa araw na yon.
  5. Nagsimula na ang klase. Wag na wag kang titingin sa desk ng teacher mo. Malamang sya may flowers. Bigay ng mga students niyang mahal siya. (For Girls)
  6. Wag ka ring titingin sa mga kaklase mong lalake na may mga flowers na ibibigay sa crush nila at ikaw wala. Mas maganda ng hindi ka nag-aaksaya ng pera. At least ikaw may pera ka nang gagamitin sa pag suporta sa future plans mo para sa crush mo. (Di nga lang sapat. For Boys.)
  7. Kung pauwi kana. Mas maganda kung uuwi kana ng diretso, wag ka ng bumili ng isaw at kwek-kwek sa labas. Baka mamaya madamay ka pa sa modus operandi ng isang manliligaw at imbitahan ka pang kasabwat sa plano nyang gimmick.
  8. Paguwi mo ng bahay at hindi mo talaga matiis na hindi buksan ang facebook account mo o kung ano mang social media sites yan. Wag na wag kang magbabasa ng mga mensahe ni Marcelo. Dahil doon, aasa ka lang lalo na may iibig pa sayo.
  9. Pag may bumati ng Happy Valentines day sayo, huwag na huwag ka ng magda-drama na Mr/Ms Lonely ka. Mag thank you ka nalang dahil hindi talaga ikakaunlad ng bansa ang paga-amok mo dyan.
  10. Wag ka na ring magsasalita ng kahit anong masama tungkol sa mga magkarelasyon, wag mo nang ipamukha sa kanilang walang forever. Mas mabuti nang isarili mo na lang yang pagka-bitter mo.
  11. Gabi na, halos matatapos na ang February 14. Kung sa inaakala mo ay tapos na ang pasakit sayo ng mundo at binuksan mo na ang TV. Nagkakamali ka, patayin mo yan. Dahil sa mga oras na yan malamang sa malamang pinapalabas ang SDTG, Talk Back and You’re Dead, o Diary ng Panget. Kung sa inaakala mo ay mag magandang manuod na lang, nagkakamali ka. Mas magandang mag-aral ka na lang at gumawa ng mga assignment.
  12. Bago matapos ang gabi, wag na wag mong kakalimutang batiin ng Happy Valentines day ang magulang mo, dahil sila ang nagpapatunay ng salitang pagmamahal sa buhay mo. At ikaw ang ebidensya!
  13. Pero wag kang mag-alala! Sa taong ito, sabado ang February 14. Kaya hinding hindi ka mabibiktima ng kahit anong mga bagay na iyon.
  14. Pinaka mahalagang bagay sa lahat ay manalangin dahil ang Valentines day ay feast day ni St. Valentine hindi porket araw ng puso ay kailangan mong maki-cooperate at hahanap ka rin ng mamahalin mo.

 

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: