XS San Juan GSPO: Gawain sa Buwan ng Wika: Baitang 1

EED - letterhead

10 Agosto 2015

 

Mga Minamahal na Magulang ng Unang Baitang,

Ipinagdiriwang ng Unang Baitang ang Buwan ng Wika ngayong Agosto na may temang Filipino, Salitang Pagbabago. Layunin ng gawaing ito ang pagyamanin ang kasanayan sa wikang Filipino at pagtibayin ang pagmamahal sa ating kultura. Kaugnay nito, magkakaroon ang mga mag-aaral ng Unang Baitang ng mga espesyal na gawain sa linggo ng Agosto 17-20, 2015.

Narito ang talaan ng mga gawain at ilang mga paalala.

Petsa Gawain Mga Paalala
Agosto 17, Lunes 

 

Araw ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wika Maaari lamang na magdala ng maliit na bag at pagkain para sa recess at lunch. Pumasok suot ang puting t-shirt, khaki pants, rubber shoes at magdala ng makulay at malaking panyo.Para sa mga kasali sa sayaw, pumasok suot ang prescribed costume. (Tingnan ang sulat na ipinadala ng Team Leader noong isang linggo.)
Agosto 18, Martes Teatrong Bulilit May mga piling guro ng paaralang Xavier na magtatanghal ng isang dula para sa mga mag-aaral ng Unang Baitang.
Agosto 19,Miyerkules Aming PilipinasLikhang Sining Lilikha ang mga mag-aaral ng watawat ng Pilipinas gamit ang pamamaraan ng paper tearing.Magdala ng gunting at pandikit sa araw na ito.
Agosto 20,Huwebes Palarong Pinoy* Ang mga bata ay magdadala ng iba’t-ibang pagkaing Filipino na ibabahagi nila sa kanilang mga kamag-aral. (Magpapadala ng reminder slip para sa ibang detalye nito.)

* Regular schedule para sa linggo ng Agosto 17 – 20, 2015.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagsuporta.

 

Inihanda ni:

(nilagdaan)

Bb. Jessica Carol M. Sucgang

Tagapamahala ng Unang Baitang

 

Sinang-ayunan ni:

(nilagdaan)

Gng. Jane C. Cacacho

Punungguro

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: