Buwan ng Wika, Matagumpay Na Ipinagdiwang!

Isinulat ni Andrei Ledesma (G6I)

Noong ika-17 ng Agosto 2015, ipinagdiwang ng Mababang Paaralan ng Xavier ang Buwan ng Wika, sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain. Nagsimula ang araw sa isang Banal na Misa at nagtapos naman ito sa pagwawagayway ng sari-saring kulay ng panyo ng mga mag-aaral. Pagkatapos nito, dumiretso ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga silid-aralan.

Ilang sandali pa ay binigyan ang mga guro ng turon at sago’t gulaman habang ang mga mag-aaral naman ay kinain ang kanilang baong meryenda. Nang matapos ang recess, naglakad na ang mga mag-aaral papunta sa Sports Center, Quadrangle at sa mga pasilyo para mapanood ang pagtatanghal ng iba’t ibang mag-aaral. Nagsimula ang programa sa pagparada ng mga higante mula sa Higantes festival. Ang ikatlo hanggang sa Ikaanim na baitang ay nagtanghal ng mga sayaw mula sa mga Piyesta na nagmula sa iba’t ibang mga lugar sa bansa: para sa ikatlong baitang, Lanzones Festival mula sa Camiguin; sa ikaapat na baitang naman ay ati-atihan mula sa Aklan; sa ikalimang baitang ay Masskara Festival mula sa Bacolod; at sa ikaanim na baitang ay Bangkero Festival mula sa Pagsanjan. Hindi naman din nagpahuli ang mga mag-aaral mula sa mababang baitang na sumayaw sa at umawit ng mga awiting Pilipino. Natapos ang programa sa sabayang pag-awit ng mga mag-aaral na pinangunahan ng mga piling mag-aaral.

Agad na sinundan ang programa ng masayang salu-salong tanghalian sa loob ng silid. Nagtapos ang araw sa mga gawaing inihanda ng Departamento ng Filipino. Ilan sa mga aktibidad ay Palihan sa Pagbuo ng Kuwentong Pambata, Kuwentuhang Pampamilya, Sine Pinoy, Palarong Pinoy at marami pang iba. Mula Agosto 18-20 naman, naging masaya ang tanghalian ng mga mag-aaral dahil sa iba’t ibang paligsahan na tinawag na Tanghal Tanghalian.

Muling napatunayan ng mga Xaverian ang kanilang tunay na pagpapahalaga sa Wikang Filipino, sa pagsasabuhay sa temang #WikangFIlipinoWikaNgBatangAktibo.

Bilang pagtatapos sa makabuluhang Buwan ng Wika, pinarangalan ang mga nagwagi sa mga ginanap na aktibidad, sila ay ang mga sumusunod:

Sa Ikalawang Baitang para sa batang KidListo

Unang Gantimpala: Justin Caelen Ilao mula sa 2E
Ikalawang Gantimpala: Jacob Angelo Agcaoili mula sa 2F
Ikatlong Gantimpala: Ariel Andrei Kaw mula sa 2H

Sa Ikatlong Baitang para sa Tulaan sa Tanghalian

Pinakamahusay bumigkas sa Filipino si Vito Singson mula sa 3I.
Pinakanakakaaliw bumasa ng tula si Jared Angelo Lumanlan mula sa 3H.
Pinakamadamdaming bumasa ng tula si Kurt Sy mula sa 3A.

Sa kaapat na baitang para sa Papasa Ka Ba sa Ikalawang Baitang?

Unang gantimpala: Joaquin De Castro, Lance Mercado at Kevin Co mula sa 4D.
Ikalawang gantimpala: Wayde Lo, Marco Leehuekee at Jamel Mantaring mula sa 4H.
Ikatlong gantimpala: Brent Lim, Dominic de Guzman at Joshua de Luna mula sa 4F.

Sa Ikalimang Baitang na Singing Bee at Larong Pinoy

Nagwagi si Carl Jessie Lao mula sa 5H.
Sa larong Patintero nagwagi ang 5C, 5D at 5E.
Sa larong Karera ng Sako nagwagi ang 5A, 5C at 5E.
Sa larong Hilahang Lubid nawagi ang 5D, 5G at 5H.

Sa ikaanim na baitang para sa Tawag ng Tanghalian

Unang gantimpala: Ian Matthew Lua mula sa 6J
Ikalawang gantimpala: Johann Anilov Caoile mula sa 6H
Ikatlong gantimpala: Bill John Bueno mula sa 6G

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: