Musical Treat: Ang Bagong Harana

On Saturday evening, October 17, 2015, students, faculty, and staff  of Father Pierre Tritz Institute – ERDA Tech enjoyed the musical treat “Ang Bagong Harana” courtesy of Mrs. Belinda Olivares-Cunanan, a member of the board of the said Jesuit school. Students who watched the show wrote about this experience.  Pictures by Peter Marc D. Magsalin, Principal, FPTI – ERDA Tech, Jonathan S. Lacson, Assistant Principal for Formation, FPTI – ERDA Tech, and Veronica Anne G. Ama, V- Masigasig, FPTI – ERDA Tech

 

Yaman ng Kulturang Pilipino
ni Veronica Anne G. Ama, V – Masigasig, FPTI – ERDA Tech

 Isang napakagandang oportunidad ang makasama sa panonood ng isang pagtatanghal tulad ng “Ang Bagong Harana”. Ito ay tumatalakay sa kulturang Pilipino na mayroon tayo, na marahil ang iba sa atin ay nakalilimutan na. Sa pamamagitan ng pag-awit kanilang ipinahahayag ang mga bagay na mayroon tayo noon at kung nasaan na tayo ngayon. Nakapaloob dito ang mga awiting tulad ng kinakanta ng ating ina noong tayo ay bata pa, awiting ating kinakanta habang tayo ay naglalaro, o hindi kaya naman ang mga awiting tungkol sa pag-ibig na ating kinahiligan.

Sa palabas na ito, ipinakita nila ang simpleng pamumuhay na mayroon tayong mga Pilipino noon, ang mga simpleng laro ng mga bata tulad ng pen-pen-de-sarapen, ang payak na pamumuhay ng mga magsasaka, at ang mga sayaw ng bawat tribo. Mayroon mang pagkakaiba ang bawat tribo noon, mayroon pa ring makikitang kaugnayan sa mga ito.

Sa kasamaang-palad, nang dahil sa globalisasyon, ang ating kapaligiran na tila paraiso noon ay unti-unti nang nag-iiba, ang maraming puno na mayroon tayo noon ay nauubos na sa kasalukuyan. Ang ugali ng mga tao noon ay iba na ngayon. Maraming mga kabaatan ang nalululong na sa bisyo. Nakalulungkot isipin na ang mga magagandang bagay na mayroon tayo noon ay tila hindi na nabibigyang pansin ngayon. Ang marami sa atin ay masyado nang naaapektuhan ng modernisasyon at palagi na lang nakatuon sa kung ano ang bagong produkto ng teknolohiya, ngunit hindi natin napapansin ang mga problemang naidudulot nito sa atin.

Nagpapasalamat ako dahil ipinakita ng pagtatanghal na ito ang kulturang mayroon tayo noon, ang simple at masayang pamumuhay nating mga Pilipino. Kanilang binibigyan nang pagkakataon ang mga tao na alalahanin at sariwain ang ating napakagandang kultura.

Nagagalak ako dahil nabigyan ako at ang mga kapwa ko ERDAnian ng pagkakataong makapanood ng ganitong pagtatanghal na nagpaalala sa aming mga kabataan ng kung ano ang mayroon tayo noon kumpara sa kung anong mayroon na tayo ngayon, at nagturo sa amin na hindi dapat kalimutan ang ating kultura na isang kayamanang maituturing.

Flier (Front)

SAMSUNG CAMERA PICTURES

SAMSUNG CAMERA PICTURES

SAMSUNG CAMERA PICTURES

SAMSUNG CAMERA PICTURES

“Ang Bagong Harana”: Isang Pagmumulat
ni Jenie Marl A. Copino, Grade 9 – Pilak, FPTI – ERDA Tech

Labis akong natuwa sa pagkakapanood ko ng palabas na “Ang Bagong Harana” dahil dito ko higit na nalaman ang tungkol sa mga awitin natin noong unang panahon. Dito ko rin napagtanto na ang mga awitin noon ay sumisimbolo sa mga nangyayari sa kapaligiran o kalikasan, hindi tulad ngayon na karamihan sa ating mga awit ay puro kalokohan o pampersonal na kasiyahan lamang, walang sapat na lalim at kabuluhan.

Masasabi kong malaki ang maitutulong ng “Bagong Harana” sa mga kabataan ngayon. Malalaman nila na ang mga awitin noon ay may kahalagahan sa atin. Sa tingin ko, higit na mapalalapit, hahanga, at matututo ang mga kabataan sa nakaraan kung maiintindihan nila ang kahulugan ng layuning ito ng “Bagong Harana”.

Sa pangkalahatan, nasiyahan ako sa magandang daloy ng palabas. Ako at ang mga kapwa ko manonood ay tunay ngang natuwa sa mga nagsipagtanghal habang inaawit nila ang mga kantang pambata, katutubo, kundiman, at OPM (original Pilipino music).

Nagpapasalamat ako sapagkat isa ako sa mga mapapalad na nabigyan ng pagkakataong makita ang palabas na ito. Hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang panonood nito dahil sa husay ng mga mang-aawit at sa magandang mensahe nito.

Nang dahil sa “Ang Bagong Harana”, higit kong pinahahalagahan ngayon ang aking pagiging isang Pilipino.

Flier (Back)

SAMSUNG CAMERA PICTURES

Ticket

SAMSUNG CAMERA PICTURES

SAMSUNG CAMERA PICTURES

SAMSUNG CAMERA PICTURES

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: