Buwan ng Wika at Kultura 2016, Matagumpay na Ipinagdiwang

ni G. JC Gloria, Kagawaran ng Filipino
Mga litrato mula sa XS Filipino Dept Facebook page

Inilunsad ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura sa Paaralang Xavier noong Hulyo 29 sa pamamagitan ng isang misang alay kay San Ignacio ng Loyola. Sa taong ito, ang temang naging tuon ng pagdiriwang ay “Mula Timog Hanggang Hilaga, Filipino ang Wika” na nagtatampok ng paggiging multi-linggwal at multi-kultural ng bansa.

Ang buong buwan Agosto ay naging puno ng mga gawaing pinangunahan ng Kagawaran ng Filipino. Nagkaroon ng serye ng panayam sa paaralan. Una sa listahan ang lekturang ibinigay ni Dr. Jovi Peregrino tungkol sa wika at kulturang popular noong ika-3 ng buwan. Sinundan ito ng kay G. Ramon Bautista, sa pakikipagtulungan ng Gentlemanliness Committee, tungkol sa pagkamaginoo noon namang ika-19.

Gayundin ay naghain ang Kagawaran ng iba’t ibang gawaing iniangkop sa bawat Baitang gaya halimbawa ng XSalin Galing sa Ikapitong Baitang, TalaXSalitaan sa Ikawalo, PaligXSahang Pangwika sa Ikasiyam, Certified RizaliXSta para sa Ikasampung Baitang at Family Feud at Celebrity Bluff para sa mga mag-aaral ng Senior High School. Kinilala at ginawaran ng parangal ang mga klase ng 7B, 8F, 9A, 10B, 12E at 12B na nagkamit ng kampeonato sa mga naturang timpalak.

Hindi rin mawawala sa mga aktibidad ang mga gawaing panlahat gaya ng kinagigiliwang PalakaXSan na nagpakilala ngayong taon ng mga bagong laro gaya ng Sipa sa Manggis at Sipa sa Lama, na pawang larong Maranao. Dagdag pa rito ang mga malikhaing patimpalak gaya ng Paligsahang Bulletin Board, Wikantanong at Booklat.

Bilang pampanid na gawain ng pagdiriwang, isinagawa ang programang Bigkas kung saan nagkaroon ng pagpapamalas ng mga talento ng mga Xaverian sa pag-awit, pagganap at pagtula. Hindi rin nagpahuli si G. Rene Mendoza ng Kagawaran ng Araling Panlipunan sa kanyang pag-aalay ng isang performance poetry. Napuno ang buong hapon ng malapistang kasiyahan, kainan, kantahan at tulaan.

“Sa kabuuan, tunay na naging makabuluhan, produktibo at mapanghalina ang mga gawaing inilatag ng Kagawaran ng Filipino bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kultura ngayong taon,” paglalahat ni Kevin Khao ng 10F.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: