Unang Dulang Handog ng Stage FX na TULØ, Itinanghal

ni Sigmund Siy (12G) at Joshua Escano (11I)

Noong ika-22 at ika-30 ng Setyembre, nagkaroon ng unang pagtatanghal ang Stage FX Club na pinamagatang TULØ. Ang pagtatanghal na ito, na binubuo rin ng tatlong dula, ay nagkaroon ng tatlong bahagi: Eyeball ni Alfonso Dacanay, St. Anthony, Pray For Us ni Liza Magtoto, at Oli Impan ni Alberto Florentino.

Ang unang bahagi ng dula, ang Eyeball, ay tungkol sa isang mayabang na lalaking mataas ang pagtingin sa sarili at ayaw makipagsalamuha sa babaeng ipinasya niyang makilala. Ang ikalawang dula, St. Anthony, Pray For Us, ay tungkol sa isang inang nag-aaruga ng sanggol at ang anghel na tagapag-alaga rin nito. Ang Oli Impan naman ay tungkol sa dalawang mahirap na batang nagmamasid sa kanilang paligid at mangmang sa mga nangyayari sa totoong buhay.

Sa pagitan ng mga dulang ito ay nagkaroon ng mga intermisyon. Ang unang intermisyon ay ang tinawag na Oracle, isang grupong binubuo ng tatlong mag-aaral na sumagot sa iba’t ibang tanong ng mga tagapanood tungkol sa buhay, pag-ibig, kalokohan, at iba pa. Ang ikalawang intermisyon naman ay isang impromptu o dagliang dula kung saan ang mga tauhan ng dula ay doon lang mismo nilikha. Kasama sa intermisyong ito si G. Luis Marcelo, ang direktor ng palabas, at si G. Synjin Reyes, isang aktor sa St. Anthony, Pray For Us.

Ikinatuwa ng mga manonood ang pagtatanghal ng bawat dula. Sa wakas ng nasabing serye ng mga pagtatanghal, umalingawgaw sa Lecture Hall ang palakpakan ng mga manonood dahil sa husay ng mga nagsiganap at ng dula sa kabuuan. Marami rin ang naantig ang puso dahil sa malalim na mga mensaheng ibinahagi ng bawat dula na ipinakita sa TULØ.

Inaasahang ang susunod na dulang itatanghal ng Stage FX ay mapapanood sa Enero ng darating na taon.

Thanks for rating this! Now tell the world how you feel through social media. .
How does this post make you feel?
  • Appreciative
  • Excited
  • Happy
  • Inspired
  • Curious
  • Concerned

Short URL:



Be updated:

Leave a Reply

%d bloggers like this: